[Verse 1]
Bakit ba
Tuwing nakikita ka
'Di makapagsalita
At natutulala
Bakit ba
Tuwing kasalubong ka
Ako'y 'di makagalaw
Para bang matutunaw
[Pre-Chorus]
Hanggang kailan kaya ako
Hanggang tingin pa rin sa'yo?
[Chorus]
Minamasdan ka't 'di na malayan
Ako'y nakangiti na pala
At tila huminto ang oras
Magkatagpo ating mga mata
'Di makahinga
Ika'y nakangiti na rin pala
[Verse 2]
Bakit ba
Tuwing lumalapit ka
Isang eksenang tila ba
Tayo lang dalawa
[Pre-Chorus]
Hanggang kailan kaya ako
Hanggang tingin pa rin sa'yo?
[Chorus]
Minamasdan ka't 'di na malayan
Ako'y nakangiti na pala
At tila huminto ang oras
Magkatagpo ating mga mata
'Di makahinga
Ika'y nakangiti na rin pala
[Verse 3]
Ang sikat ng araw ay bumabahaghari
Dalang mga ulap na umaaligid
Sumasabay sa kulay rosas na hanging
Halimuyak ng narra'y tumutulak-bibig
At ang mga ibon ay nagdadalang-awit
Kasabay ang tambol dito sa aking dibdib
'Di na alam kung saka-sakali
Madarama ko ay bigla kong masabi
[Chorus]
Minamasdan ka't di namalayan
Ako'y nakangiti na pala
At tila huminto ang oras
Magkatagpo ating mga mata
'Di sinasadya
Nagmumukhang tanga
'Di makahinga
Ika'y nakangiti na rin pala