[Verse 1]
'Di kita matitiis
Kahit na ako ay mainis sa'yo
Ako'y manunuyo pa rin
Sa mga araw na ika'y matampuhin
[Chorus]
Dahil ikaw ang aking tahanan
Ikaw pa rin ang aking uuwian
[Verse 2]
Pilit mang itulak palayo
Hihilahin ng tadhana pabalik sa'yo
Dahil sa minsan mong pag-ngiti
Alam kong ako'y mananatili
[Chorus]
Dahil ikaw ang aking kanlungan
Ako naman ang iyong sandalan
[Bridge]
Umabot man sa puntong
Kailangan mo 'kong iwan
Ay bibitaw na rin labag man sa'king
Kalooban dahil ika'y aking mahal
[Outro]
At kung may susunod mang buhay para sa'tin
Hihilingin makilala muli
Ikaw pa rin ang aking uuwian