[Verse 1]
Dito ka na lang sa 'king piling, mahal
Dito ka na lang humimbing kahit 'di magtagal
[Pre-Chorus]
'Di magsasawa sa liwanag mo, o buwan
Sa dilim ika'y liwanag, aking gabay sa daan
Kaya't sana'y pagbigyan, magpakita ka naman
[Chorus]
Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha
Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha
[Bridge]
Tunawin mo ako sa iyong kagandahan
Nang malimutan ko aking kalungkutan
Tanging sa liwanag mo'y hindi mag-iisa
Tanging sa liwanag mo'y hindi mag-iisa
[Verse 2]
Kailangan mo mang lumisan, maiintindihan
Wala ka man sa aking piling, ika'y nararamdaman
[Pre-Chorus]
'Di magsasawa sa liwanag mo, o buwan
Sa dilim ika'y liwanag, aking gabay sa daan
Kaya't sana'y pagbigyan, magpakita ka naman
[Chorus]
Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha
Nasa'n ka, oh luna? Nagtago sa ulap
Na kanina'y lumuluha
Nasa'n ka, oh luna?
Magpakita muna
[Post-Chorus]
La la la la
Haaaa
La la la la
[Outro]
Dito ka na lang sa 'king piling, mahal
Dito ka na lang humimbing kahit 'di magtagal
Hmmmm