[Verse 1]
Hindi, 'di ako magpapauto
Sa mga kuwentong imbento
Ng isip kong tumatakbo
Papalayo sa totoo
[Chorus]
'Wag naman, ayokong nag-iisa
O, kahit may iba
Puwede ba ako ang piliin mo?
Nandito pa ako
[Verse 2]
'Kaw lang naman ang nakakita
At nakakilala sa
Uto-uto na ito
Na bumubuntot sa 'yo
[Pre-Chorus]
Ipipikit ko na ba
Ang aking mata?
[Chorus]
'Wag naman, ayokong nag-iisa
O, bakit may iba?
Puwede ba ako ang piliin mo?
Nandito pa ako
Ba't iba?
Hindi ba ako sapat, na hindi ka na tapat?
[Outro]
Ayoko na
Ako ang piliin mo, pilitin mo, oh
Please lang