Video Shockra Philipine Choppa de Abaddon 2025 Lyrics Lyrics

Escucha la música Lyrics más popular de Abaddon y otros artistas en línea. Disfruta de las mejores canciones de 2025 en Musicas-Cristianas de música en línea. ¡Encuentra tu canción favorita y escúchala en cualquier momento y en cualquier lugar!

Video Shockra Philipine Choppa » Abaddon Letra

INICIOAbaddonShockra Philipine Choppa

Abaddon - Shockra Philipine Choppa Lyrics


TAPOS NA ANG INYONG PAG HIHINTAY

ABADDON, CRAZY MIX, FLICT G, TUGLAKS, KIAL, NUMERHUS
SMUGGLAZ AT INOZENT ONE

Chorus:

Kami ang walong sumpa mula sa lugar ng dalubhasa
Walong dyos ng letra gamit ang bagsakang rumaragasa
Mga poetikong ginapusan ng husay sa pagbigkas
Kami ang magsisilbing pamantayan ng kalupitan sa pinas


SHOCKRA!

Lakas ng sabog ng aming damdamin pinakamatibay pinakamahusay
Mga pinaka kilala sa ilalim
Dalubhasa pa sa mga dalubhasa kami ang walong sumpa
Mga nilalang na dapat igalang kami yon wala ng iba

SHOCKRA!

[ Smugglaz - Verse 1 ]

Sigunda ng mga labananan magagawa mo na matanaw at madama
Ang pagkadalubhasa mula pa sa pinakamataas na level ng musika
Ikaw maging sino pa man ay’ wala ng sinomang
Makakalamang sa mga kilalang nilalang na likas talaga ang pagkahalang

Malamang di mo na magawa pa makapag panatag sa mga bumagabag
Ng mga pahayag na dala pamatay na pamamaraan ng pag lansag

Habol’ ako sila sila’t ako walong sumpa
Ikapito sa mga panggulat tagapagpala ng paniniwala

Ng mga’ taliwas sa dapat para bang dapat na maibunyag
Ng mga intelehenteng personang pinatitingkad ang mga bansag

Pirme’ na nakalinayada sa hanay ng mga mapang antala
Na nakapaloob sa pagkamabalasik imprehensibong lumuwa

Natunugan na nila papilas na dapos ang mga kalaban na mapapel
Bubulatlaten ang mga tenga sa galit na bumuga mula saking pag pipigel

Dikterado na manunula manunulat at mananalata
Na sa mga kalaban na samin mananalungat ay walang puknat na mananalasa



[ Numerhus - Verse 2 ]

Si Numerhus to! nakatayo bilang ikaanim
Sa walong lakas pinagisa nabakas sinusumpang lalapain
Ang lahat ng balakid di makakapatid lubusan ng matatauhan
Di ka makakalunok dahil sa mga pakong nakabaon sayong lalamunan

Tanging larawan ng kabangisan lamang nakaukit saming mga palad
Na binigyang hugis ng matutulis na dilang walang kahalitulad

Tila mga buhawi na raragasa na koloretes ng mga patalim
Na palamuti ng mga kamandag na pinapain ko sa mga paningin

Bilang himpilan ng mga pangulat akda ng mga litigasyon
Na makabago mula sa kakayahan na di makitaan ng limitasyon

Walang katapusan bawat sinimulan inumpisahan na may balasik
Na kung saa’y matatagpuan ang mga di mo pa nasasaliksik

Kami'y binu upang kumilos lumikha ng mga indayog
Na syang babago sa pananaw kasabay ng pagkalat at pagsabog

Ng malakilometrikong litanya kumakastigo ng damdamin walong
Sumpa ang salarin " Numerhus ang ikaanim "


[ Crazymix - Verse 3 ]

Pagbitaw ng dila di na mapatila ang unang tamaan titirikan ng kandila
Nakahanay samin ang mga malupit mula cubao tundo nakapila
Habang binibitawan namin ang mga kataga hindi mo na malaman kung paano malampasan

Ang mga pag atake na aming ginagawa na pandurog nang tampalasan

Ako si Crazymix ikalawang sumpa ng Shockra handa ka na ba
Sa pagpunta mo sa ibang dimensyon kung saan nararapat ang mga tanga

Katulad mo ikinagulat mo ang paglitaw ng Walong Sumpa
Mga batang makata na parang buhawi na kayang bumitaw kahit anong tugma

Bagsakan man o pabilisan tugmaan man o patagisan
Nang mga kataga na kayang makasugat pataliman o patulisan

Ang mga magbabalak ay matatagpuan na nakaratay
Sa tambakan ng mga bigo na malampasan ang mga nakahanay

Walong sumpa ng Shokra sa isang kanta ay pinag isa
Pinagsama na sa isang bagsak para mga kalaban amin nang mapisa

Kung titira ka saamin ng gabutil babalik kong bawi sangdakot
Lahat ng matapang na pumasok dito pinauwi ko ng takot


Chorus:

Kami ang walong sumpa mula sa lugar ng dalubhasa
Walong dyos ng letra gamit ang bagsakang rumaragasa
Mga poetikong ginapusan ng husay sa pagbigkas
Kami ang magsisilbing pamantayan ng kalupitan sa pinas


SHOCKRA!

Lakas ng sabog ng aming damdamin pinakamatibay pinakamahusay
Mga pinaka kilala sa ilalim
Dalubhasa pa sa mga dalubhasa kami ang walong sumpa
Mga nilalang na dapat igalang kami yon wala ng iba

SHOCKRA!


[ Flict G - Verse 4 ]

Isang malaking Kahangalan ang makipagbanggaan sakin
Sinumang kumontra at sumalungat ay gagapang samin

Di ko na pinapatulan ang mga nagpapansin kumuha ng aming atensyon
Umayaw na sa rap game di makatanga nung turuan namin ng aming leksyon

Talasan mo ang paningin salagin ang mga tirang bihasa
Palitan ang mga utak ng mga tanga tanggalin ang mga dilang binasa

Inaantok ako sa mga to mga tangang di makaintindi
Di ka makatang magaling kundi makatang nakaririndi

Ano man ang mga musikang pinakikinggan mo akin ng pinagaralan
Eh ikaw miski magulang mo di ka pinaparangalan

Panuntungan palaliman pabilisan pagalingan
Ang bugtugan palasingan naglihisan sa kambingan

Nagsilisan nagbihisan pagkat pinagpawisan
Nung nakita na nila ang kumanta ng Paglisan

Di naman sa pagmamayabang nagmamagandang loob lang ako
Para naman sa kaalaman mo malaman mo kung sino ako

Ako si flict G…!!!


[ Tuglaks - Verse 5 ]

Shockra !! nag babalak kaba kay Tuglaks mga mata mo’y imulat
Paki tignan mabuti kung sino ako patuloy ang dila rumaragasa

Sa mga pandinig ng mga nakinig nanginig ang tuhod at kinakabahan
Ang mga kalaban na nais sumagupa sa isang nilalang may dilang
Handang tumira kana sa akin ng patalikod ng iyong magawa

Makata ka man oh *** na hindi sumablay
Tinaguriang batikan na hindi mapatay

Binabalutan na ng pwersa bawat hagupit na hindi mapatila
Wawasakin ang iyong papel na tapos ka hanggang lumabas ang dila

Tuglaks ang Ika apat na Sumpa bagong pandayo
Sa bawat tunog na akin nilagyan ay hindi magawa ng ibang pinaghalo

Sa aking utak ang lahat ay nilampaso walng beteranong makakapantay
Walang sino man ang sumasagupa humanda oras na mapa**migay

Ah lage ngayon na sabihin na bago mawala sa larangan na to ako ang inakda

Na tatapos sayo na hindi mabura
Isang dura ka lang sa bawat tunog ng aking hagupit
Salagin mo lahat ng aking binuo nang malaman mo kung sino malupet!! Halika !!!


[ Kial - Verse 6 ]

Muli na naman nag sihampasan ang mga dila mula sa mga binalutan
Ng puro kaalaman di akalain na lalampas pa samin ang katalinuhan

Na di makapitan ng mga ungas kaya humihila pababa
Pinapalibad ang mga salita na pinapamula ng mga taong batang tondo

Akala mo siguro na hindi kona magagawa na muli maibalik ang binitawan ko nun una
Pinag mumula pinapaulit ng mga kalaban na wala namang mga ibubuga

Ngayon makinig ka at uulit ulitin ko na hindi mo parin kaya na abutan
Ang mga bala namin na pinapahayag na nag mumula sa mga banatan

Hindi mona kayang awatin bigilin mo man tatagal kaba
Sa mga taong nakapag sulat ng awitin ay malabo nang mangapa

Tignan mo kung gaano katibay ang aming bakuran na dimo kayang banggain
Pagkat kung sino man ang mga dinaanan di malampasan ng yapak mo na sakin

Giling hahayang ko na di mataob kahit bumaliktad pa ang pito
Pano pa gagaling ang mga bobo kung inutil naman ang guro

Kami ang halang kame ang brutal kame ang pinalad na di mapaslang
Ako ang batang ngalan ay KIAL mula sa delfan sino ang hadlang

[ Abaddon - Verse 7 ]

Sa makatuwid isang nilalang na pinunong anghel!
Abbadon!

Ang mga letra ko babala at ang bibig ko ay barel!

Isinumpa na maging demonyo sa pa mamagitan ng pagtula
Ang mga nanghamak at nangmaliit sakin nag kamali ng kalkula

Ako ay buhay na tanikala hinugot sa masama mong panaginip
Dеlubyong kinakatakutan mo na sa isipan mo ay nakatirik

Ako ang dilim sa liwanag itago mo man ako ay nakasilip
Solusyong burahin ako sa mundo mo di kana makakaisip

Wala ka ng takas ako ang diyos na yong anino na sinasamba at dinadakila ng iniilagan mong maligno!

Akoy sumpa!

Ang aking misyon dapat ay maisakatuparan ubusin ang mga bulaan at imulat ka sa katotohanan

Walang puwang ang mababang uri sa entabladong aking tinapakan walang basbas naisa kamay

Ang mikroponong aking hinawakan kayo’y mga bihag at alipin na aking pag haharian

Alay para makamtan ang mas matinding kapangyarihan!!


Chorus:

Kami ang walong sumpa mula sa lugar ng dalubhasa
Walong dyos ng letra gamit ang bagsakang rumaragasa
Mga poetikong ginapusan ng husay sa pagbigkas
Kami ang magsisilbing pamantayan ng kalupitan sa pinas


SHOCKRA!

Lakas ng sabog ng aming damdamin pinakamatibay pinakamahusay
Mga pinaka kilala sa ilalim
Dalubhasa pa sa mga dalubhasa kami ang walong sumpa
Mga nilalang na dapat igalang kami yon wala ng iba

SHOCKRA!

Shockra Philipine Choppa » Abaddon Letras !!!
Esta sitio web no aloja ningún tipo de archivo audio o video© Musicas-Cristianas 2025 España | Chile - Argentina - México. Todos los derechos reservados.

Escuchar músicas enlinea gratis, 2025 Escuchar Música Online, Música en Línea 2025, Música en Línea Gratis, Escuchar Música Gratis, Música Online 2025, Escuchar Música

Música 2025, Música 2025 Online, Escuchar Música Gratis 2025, Músicas 2025 Gratis, Escuchas top, Música de Moda.