[Chorus]
Naglalambing lang naman
Baka sakaling iyong pagbigyan
Ang nais ko lang naman
Ang makausap ka't muling mahagkan
[Verse 1]
Ako ba ay iyong naaalala pa?
Kailan nga ba huling nagkita?
Ilang taon na rin ang nagdaan
Nawa'y nasa mabuting kang kamay
[Pre-Chorus]
Sana muli tayong magtagpo
Sa gitna ng mundong mapaglaro
[Chorus]
Naglalambing lang naman
Baka sakaling iyong pagbigyan
Ang nais ko lang naman
Ang makausap ka't muling mahagkan
[Verse 2]
Ako sana'y iyong naaalala rin
Kahit na may ibang kapiling
Ikaw sa akin ay may halaga pa rin
Ang tinig ko sana'y iyong dinggin
[Pre-Chorus]
Sana muli tayong magtagpo
Sa gitna ng mundong mapaglaro
[Chorus]
Naglalambing lang naman
Baka sakaling iyong pagbigyan
Ang nais ko lang naman
Ang makausap ka't muling mahagkan
[Bridge]
Sino ba'ng may tangan ng iyong mga kamay?
Sino ba'ng nagbibigay-kulay sa 'yong buhay?
Baka naman ako'y kailangan pa
[Chorus]
Naglalambing lang naman
Baka sakaling iyong pagbigyan
Ang nais ko lang naman
Ang makausap ka't muling mahagkan
[Outro]
Naglalambing lang naman