[Verse 1]
Binibini
May hinihintay ka ba ngayong gabi?
Nahumaling
Sa unang araw pa lang ikaw ay nakapiling
'Wag nang mahihiyang sabihin
Nadarama sa akin
Hindi na kailangan pang ilihim
'Wag na nating pigilin
Dumadagitab na dam-damdamin
Nahulog na ako sa isang tingin
[Chorus]
Kung dito ka sa akin
Walang ibang hahanapin
Handa namang aminin
Handa akong sabihin
Sundin ang 'yong damdamin
Binibining para sa'kin
Magayon, kay ganda
Kakabighani mong mata, 'di mahanap sa iba
[Verse 2]
Puro larawan ng langit ang kinukuha
Natutuwa 'pag ikaw ang naaalala
At mga sandali na ika'y kapiling
[Pre-Chorus]
Iba 'pag tadhana nagpakilala sa isa't isa
Saktong tutugma, hilig sa sining at musika
Iba 'pag tadhana nagpakilala, kilig ang nadarama
Aking tadhana, ikaw na nga ba 'yon, aking sinta?
[Chorus]
Kung dito ka sa akin
Walang ibang hahanapin
Handa namang aminin
Handa akong sabihin
Sundin ang 'yong damdamin
Binibining para sa'kin
Magayon, kay ganda
Kakabighani mong mata, 'di mahanap sa iba
[Post-Chorus]
Kakaiba, nakikita
Kakaiba
Kakaiba, nakikita
Kakaiba
[Bridge]
Mga salita, binibitaw sa bintana ng kaluluwa
Mga salita, sa'n ba tayo dadalhin?
Nabighani ng 'yong tingin
'kaw na sana para sa'kin