[Verse 1]
Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad, iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako'y bahaginan
[Verse 2]
Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, bituing marikit
[Verse 3]
Lapitan mo ako, halina, bituin
At ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y 'wag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na paggiliw
[Instrumental Break]
[Outro]
Ang sabik kong diwa'y 'wag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na paggiliw