[Verse]
Bawat araw ay naghihintay
Na makita ka at ang iyong ngiti
Tuwing dumaraan, tumitibok
Ang puso kong gusto ng sumigaw
[Pre-Chorus]
Pinapangarap ko ay ikaw
Pinapangarap ko na iyong sabihin na ako'y mahal mo rin
[Chorus]
Ako'y gulong-gulo, nalilito
Ako'y litong-lito, nahihilo
Ako'y gulong-gulo, nalilito
Mahal mo ba ako?
[Verse 2]
Gusto mo naman ako ba't 'di mo aminin
Kitang-kita naman na ikaw ay may pagtingin
Sa pagsulyap mong nakakatunaw
Ako'y parang yelo sa ilalim ng araw
[Pre-Chorus]
Pinapangarap ko ay ikaw
Pinapangarap ko na iyong sabihin na ako'y mahal mo rin
[Chorus]
Ako'y gulong-gulo, nalilito
Ako'y litong-lito, nahihilo
Ako'y gulong-gulo, nalilito
Mahal mo ba ako?
[Bridge]
Huwag ka ng mahiya
Kung gusto mo ako ay sabihin mo na
[Chorus]
Ako'y gulong-gulo, nalilito
Ako'y litong-lito, nahihilo
Ako'y gulong-gulo, nalilito
Mahal mo ba ako?
[Outro]
Mahal mo ba ako?
Mahal mo ba ako?
Aminin mo na, mahal mo ba ako?
Aminin mo na, mahal mo ba ako?
Mahal mo ba ako?