Oras ay gusto kong ihinto
Sa tuwing ikay katabi
Ngiti mo na kumukumpleto
Sa aking araw at gabi
Ikaw ang rason
Sa pag gising ng tanghali
Sa panaginip ko ikaw ang reyna at ako ang hari
Minsa'y hiling na hindi na magising
Dahil sa panaginip ko
Ika'y akin
Unti unting naghawak ang kamay
'di ko matago ang kilig
Walang humpay patay na patay
Itong nararamdaman ko
Ikaw ang sagot
Sa lahat ng panalangin
Nasayo ang lahat ng hinahanap sa isang babae
Minsa'y hiling na hindi na magising
Dahil sa panaginip ko
Ika'y akin
Minsa'y hiling na hindi na magising
Dahil sa panaginip ko
Ika'y akin