[Verse 1]
Nasa'n lambing sa iyong haplos
Na sa balat ko'y tumatagos?
Nadala ba ng dekadang nagdaan?
Pa'no dumating sa paglimos
Ng init na ngayo’y kapos?
Nadala ba sa dekadang nagdaan?
Di malaman kung anong nakalaan?
[Refrain]
Pano sasabihin ang
Di mo kayang aminin pa
Sa ating dalawa?
Nagbabakasakali lang
Mayroon pang natitira
Na pwede pang maisalba?
[Pre-Chorus]
Di na tayo
Di na tayo
[Verse 2]
Dinggin mo - tinig ng ating kahapon
Nagpipilit sa pagkakataong
Maibalik pa ang dekadang nawala
Tayo’y minanhid ng panahon;
At sa bawat maling naipon
Hinahayaan lamang nating mawala
Hahayaan lang ba nating dalawa?
[Refrain]
Pa'no sasabihin ang
Di mo kayang aminin pa
Sa ating dalawa?
Nagbabakasakali lang
Mayroon pang natitira
Na pwede pang maisalba?
[Pre-Chorus]
Di na tayo
Di na tayo
[Chorus]
Di na tayo naguusap;
Nakakapagod magpanggap
Di na tayo naguusap!