[Verse 1: Jom]
Ilang araw ka nang hindi dumadalaw
Alam mo bang hinahanap kita araw araw
Gabi-gabi ako'y hindi mapakali
Inaalala ko ang mga bawat sandali
Ano ang dahilan bakit ka nagkaganyan
Ang sabi sa'kin may nakakita sayo sa daan
May kasama kang iba't kayo ay masaya
Ako'y nagtataka at ako ay nabigla
[Chorus: Jom]
Bakit kailangan mo pang pahabain?
Kung tayo ay mag tatapos na rin
Bakit kailangan mo pang magtago?
Kung tayo ay andito na sa dulo
'Di naman kita pipigilan
Hindi na rin kita kailangan
[Verse 2: Clien]
Kasalanan mo ito
Kung bakit nagkaganito
Lahat ay ginawa para makasama ka
Ano bang nangyari sa iyo
Hangga't nandyadyan ka pa
Palibasa mahal pa kita
Bakit 'di mo maranasan kung ga'no talaga kasakit
Ng puso kong ito
Makinig ka na sa akin hanap ko'y bakit
Aminin mo saakin kung anong naplano mo para masira yung relasyon natin
Bakit ba ako? Bakit 'di na lang sa'yo
Sawa na talaga ako sa mga sinasabi mo
Ano bang nangyari sa atin dalawa
Kahapon ay kasama lang kita
Bakit ngayon ay meron ka na agad iba
Ang sakit na talaga puta lumayo ka na
[Chorus: Jom]
Bakit kailangan mo pang pahabain?
Kung tayo ay mag tatapos na rin
Bakit kailangan mo pang magtago?
Kung tayo ay andito na sa dulo
'Di naman kita pipigilan
Hindi na rin kita kailangan
[Verse 3: Crakky]
Ayoko na muling, kulitin ka pa na mahalin
Alam ko naman na hindi mo na din
Kailangan pa ang mga yakap ko sa'yo't lambing
Palaging binabalewala mo na lang
'Kala mo ba ay nakakatuwa
Umabot na sa punto na ako ay sagarin
Bumitaw ng tuluyang manawa
Hindi ka siguro natuto kaya ako ay inabuso
Sagad na sa labis na pagmamahal ko sa'yo'y
Na punta na sa dulo
[Chorus: Jom]
Bakit kailangan mo pang pahabain?
Kung tayo ay mag tatapos na rin
Bakit kailangan mo pang magtago?
Kung tayo ay andito na sa dulo
'Di naman kita pipigilan
Hindi na rin kita kailangan