[Verse 1]
Kahit sa'n man ako dalhin
Ng ihip ng hangin
Makita’t mahanap ko lang
Ang tahanang para sa 'kin
[Pre-Chorus]
Bawat bundok ay aakyatin
Matanaw ko lang
[Chorus]
Darating din ako
Patungo sa iyo
Darating din, pangako
Tatahakin ang mundo
Mahanap ka lang
Mahanap ka lang
[Verse 2]
Aking susundin
Ang mapa ng kalangitan
At bawat bituin na aking madadatnan
Ay aking mamarkahan
[Pre-Chorus]
Hanggang mahanap ka
Ako'y maglalakbay
Hanggang mahanap ka
Ako’y maglalayag, oh-oh
[Chorus]
Darating din ako
Patungo sa iyo
Darating din, pangako
Tatahakin ang mundo
Mahanap ka lang
Mahanap ka lang
[Bridge]
Oh, oh, oh, oh, oh
[Verse 3]
Kung sa'n man ako dalhin
Ng aking pangako
Ay aking didinggin
Makapiling ko lang ang puso mo