Maibabalik Pa Ba? Song Lyrics
Maibabalik Pa Ba? by Artificial October Heto na naman ako
Umiiyak dahil sa'yo
Puso'y 'di na natuto
Gulong gulo,
Litong-lito
Hanap-hanap ka
Sa aking pag-iisa
Kalian kaya magsasawa?
Kalian mauubos ang luha?
PRE-CHORUS:
Dahil giliw ko
Nasasaktan man ako
Hinding hindi bibitiw sa'yo
CHORUS:
Maibabalik pa ba ang kahapong nawala?
Hanggang ngayon umaasang ako'y mahal mo pa
Paano na ako, naghihintay lagi sa'yo?
Inibig ka ng buong-buo
Bakit nilisan mo ako?
O kay bilis naman
'Di ko namalayan
Lagi na lang naiiwan
'Di na ba pagbibigyan?
Sa puso mo ba sinta'y
Wala na akong maipipiga?
Nananabik, umaasa
Lagging nangungulila
[Repeat PRE-CHORUS and CHORUS]
Kahit pa nalimot na
Mahal pa rin kita
Kahapong nagdaan
Parang kalian lang
At ang pag-ibig kong walang hanggan
Sa'yo lamang laan.
[Repeat CHORUS and end by repeating the 2 last lines of the chorus three times.]