Video Bayad Ko Ft Noel Cabangon de Gloc 9 2025 Lyrics Lyrics

Escucha la música Lyrics más popular de Gloc 9 y otros artistas en línea. Disfruta de las mejores canciones de 2025 en Musicas-Cristianas de música en línea. ¡Encuentra tu canción favorita y escúchala en cualquier momento y en cualquier lugar!

Video Bayad Ko Ft Noel Cabangon » Gloc 9 Letra

INICIOGloc 9Bayad Ko Ft Noel Cabangon

Gloc 9 - Bayad Ko Ft Noel Cabangon Lyrics


Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi,
Bababa na po ako eto po ang bayad ko
Si mang berto na sumakay sa may kanto,
At'eto na ang simula ng mga kwento,
May kaisa isang anak na babae
Ngalan ay luisa isang estudyante,
Ang pag-aaral iginagapang upang
Kahirapan ay matakasan

Isang gabi ng marso bandang alas
Otso maagang umuwi ng bahay si mang berto,
May dalang supot ng pansit at mamon
Maligaya kahit sa bihirang pagkakataon,
Bukas ay magtatapos na sa kursong
Kinuha ang kanyang pinakamamahal na si luisa,
Dapat sana'y meron na silang patutunguhan
Ngunit sadya bang may sumpa itong ating
Lipunan dahil natagpuang patay sa ilalim
Ng tulay pangarap ni luisa inanod lang na kasabay

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi,
Bababa na po ako eto po ang bayad ko
Pagdaan sa may quezon avenue sumakay naman si ate marilou,
Bente kwatro anyos walang natapos ang anak ay nasa icu,
Pag patak ng alas onse naka-kolorete
Siya'y nasa tabi at pumapara ng kotse,
Kahit dos bente kanyang papatulan pambili
Ng gamot para malunasan kahit isang araw
Lang buhay ng kanyang anak ay madugtungan

Bukas ng gabi naman may ilang buwan na ring
Kanyang ginagawa walang matagpuan walang syang magawa,
Bakas sa mukha lahat ng pait ngunit
Sanggol nya'y walang kapalit kahit alam
Nyang siya'y nahawa ng sakit para
Sa kanyang anak gagawin ng papikit
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi,
Bababa na po ako eto po ang bayad ko

May isang batang nakasabit sa istribo
Anim na taon ang pangalan ay benito,
Maghapon magdamag syang nagtratrabaho
Punas ng sapatos at bote't dyaryo para
May makain ang tatlong kapatid, lima, apat,
Dalawang taon at isang batang paslit pa lamang
Ay nakaatang na kanyang balikat,
Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat ng ipinasok
Sa kulungan ang ina sila'y iniwan

Sinubukan nyang pigilan ngunit siya'y
Pinagtulakan hanggang sa nagkasakit
Ang bunsong kapatid at sa isang kariton
Ang hininga'y napatid ngayon ay di nabatid
Kung ano ang syang hatid ang bukas para
Kay benito na tila parang manhid na sa
Hapdi dulo't ng mga pangyayari sumisinghot
Ng rugby bumaba sa may malate

Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi,
Bababa na po ako eto po ang bayad ko
Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating
Tumawag lang kay mamang driver tayo'y makakarating
Mama... Para
Tayo'y makakarating

Bayad Ko Ft Noel Cabangon » Gloc 9 Letras !!!
ANUNCIOS PUBLICITARIOS
Esta sitio web no aloja ningún tipo de archivo audio o video© Musicas-Cristianas 2025 España | Chile - Argentina - México. Todos los derechos reservados.

Escuchar músicas enlinea gratis, 2025 Escuchar Música Online, Música en Línea 2025, Música en Línea Gratis, Escuchar Música Gratis, Música Online 2025, Escuchar Música

Música 2025, Música 2025 Online, Escuchar Música Gratis 2025, Músicas 2025 Gratis, Escuchas top, Música de Moda.