Ako ay anim na taon nung ako'y iniwanan mo
Kaya nung bata pa ako ikaw ay iniwasan ko
Kase ako'y may katanungan at ako'y nagtatampo
"wala na nga akong ama iniwan pa ng nanay ko?"
Sa eskwela pag magulang pinapupunta nila
Ako'y walang kasama dahil ako'y walang ama't ina
Bakit po? bat't iniwan nyo akong nagiisa?
Bat't ganon? bat'sila? andon ang ina nila?
Nung Ikaw ay umalis bakit di mo ko dinala
Alam mo ang pangalan ko pero di mo kilala
Dahil ang aking paglaki hindi mo nasubaybayan
Iniwan mo akong anghel ngayon ay may sungay na yan
Ilang kaarawan ko na ang nagdaan laging wala ka
Kung kaya't habang umeedad mas lalong lumala pa
Pero wag magaalala di masama aking loob
Bakit? ma pakinggan mo ang susunod
2nd
Hindi mo ginusto noong ako ay naiwanan mo
Lahat ng binigay mo sakin ay pinaghirapan mo
Tanging inisip mo nalamang ay kinabukasan ko
Sarili mo hindi mo na inisip nilunasan mo
Ang ating buhay na mahirap kaya ika'y nagsikap
Sarap ng buhay ko ikaw naman ay naghihirap
Kaya nagtanong ako at bakit ba ko nagtampo?
"pwede ka namang maghirap basta sama mo ako"
Dahil ang buhay mo alam ko at aking nakabisa
Matagal ka nang hirap.tagal mo nang nagiisa
Ayokong dumating yung araw lahat ay huli na ma
Yung dapat kong ipadama hindi ko naipadama
Kaya hayaan mo ako hanggang ika'y nandito pa
Magsimula ng panibago ulitin sa umpisa
Alam mong puso ko'y manhid at bakal ang pagkasadya
Pero mahal kita ma hindi mo lang mahalata
3rd
Hinahanap mo pa ang pagmamahal ng babae sa iba
Eh ang babae na tapat kung magmahal ay ang "ina"
Kahit madameng babae sa buhay mo iiwanan ka din nila
Pero ang yong inay ang syang babae na matitira
Dahil ang isang "inay" ay kayang maghintay
Magbago ang kanyang anak at di sya bibigay
Ngunit kanyang ibibgay lahat ng kayang ibigay
Kahit walang matira sa kanya walang problema kay inay
Ang galing galing nila no?
Kaya sana'y suklian natin sila kahit papano
Di usapan kung magkano ang usapan ay paano
Ipakita at ipadama sa kanya kung gaano
Mo sya kamahal at nagpapasalamat tayo
Sa pagmaamhal nilang walang talo laging panalo
Kung wala aking inay.walang "hambog ng sagpro"
Hanggang dito nalang dahil na iiyak na nga ko
4th
Sa katulad kong anak ay dapat nga lang mainis
Pero ikaw ay nagtyaga at sa akin ay nagtiis
Kaya ako'y awang awa habang sayo'y nakatingin
Kahit walang kwentang anak pinilit mong intindihin
Lahat ay kaya mong gawin basta lamang para sakin
At patawad sa lahat sana ako ay patawarin
Pag ako ay namatay sa kapalarang malupet
Sa kabilang buhay maging nanay ko sana ikaw ulet
Dahil kahit hirap ka na sa tulad ko na pabigat
Magaan parin loob mo sakin kaya halika't
Pakinggan kanta ng anak mong suwail at pasaway
Ngunit tinanggap mong buo naging mabuti kang inay
Kahit ngayon ako mayroon ng dalawang anak
Kekwento ko sa kanila ang lola nyo ay nagpatak
Ng luhat.pawis at dugo at laging nasa tabi ko
Kaya salamat "ermats" ikaw kakampi ko