[Verse 1]
Paano mo patahimikin ang isang bunsong iyakin?
Huhunihan ni Inay ng la-la-rin-la-rin
Paano mo patatahanin ang pagtatampo ni Neneng?
Pasalamat ka't may awit na kakantahin
[Pre-Chorus]
Sa mga indayog, tayo'y napapasayaw
At sa labis na galak ay napapasigaw, wow
Ang mga kirot sa puso ay lumilipad
At mga mithi ay natutupad
[Chorus]
Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon, maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla
[Verse 2]
Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip
Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig
Ang magagandang tanawin at mga tulang malalim
Kukulangin din upang tayo ay aliwin
[Pre-Chorus]
Aanhin ang kayamanang 'di madadala?
Aanhin ang kagandahang pansamantala? Hah
Ang katahimikan ba ay may magagawa
Upang ihayag ang nadarama?
[Chorus]
Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon, maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla, ah
Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon, maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla
[Outro]
Salamat, musika
Salamat, musika
Salamat, musika
[Spoken]
Magandang gabi po sa inyong lahat, ako po si Lea Salonga
At ako po ay Filipino
Sa susunod pong mga sandali, patuloy po akong magsasalita sa aking sariling wika
At wala pong ibang makakaalam kung ano pong mga sasabihin ko ngayong gabi