Sumigaw ang Bathala, nagkakulay ang mundo
Umiyak kaya ang Bathala kaya ngayo’y umuulan?
Kung siya’y nanonood siguro dito ang tingin
Nakitang kulang sa pansin
Ang isang anak na ulira, walang laman ang puso’t damdamin
Sa dulo ng mundo, doon magtatagpo
Ang ‘yong kaluluwa at ang lumikha
Lahat ng gusto mong malaman sa kanya
Maisasagot rin niya
Ngumiti ang Bathala, namigay ng pag-ibig
Baka lang wala ako noon, baka nagmumuni-muni
Kung saan ako tatakbo kung kailangang magtago
Sa dulo ng mundo
Kung ano ang gagawin ko kung kailan gugunaw
Ang mundong ito
Sa dulo ng mundo, doon magtatagpo
Ang ‘yong kaluluwa at ang lumikha
Lahat ng yaman mo ay ‘di maidadala
Naiintindihan mo ba?