[Verse 1]
Ako'y maghihintay, tiwala sa gabay
Pilit akong nakahakbang
At sa'king pagdilat ay hawak na'ng 'yong kamay
Kapit na panghabang-buhay
[Pre-Chorus]
Hindi ko ipagpapalit pagmamahal mo sa saglit
[Chorus]
Sa tamang panahon, darating din 'yon
Ako naman ang pipiliin
Kung 'di man ngayon, darating din 'yon
Pag-ibig na mananatili
Darating ka rin
[Verse 2]
'Di ka man kasabay sa aking paglalakbay
Magkarugtong ating daan
Ang tamang oras ay sa'tin ibibigay
Magkakaro'n din ng saysay
[Pre-Chorus]
Hindi ko ipagpapalit pagmamahal mo sa saglit
[Chorus]
Sa tamang panahon, darating din 'yon
Ako naman ang pipiliin
Kung 'di man ngayon, darating din 'yon
Pag-ibig na mananatili
Darating ka rin
[Bridge]
At kung 'di ko man maintindihan
Ngayon ang dahilan
Ito'y may kahulugan
Ikaw ang kahulugan
[Chorus]
Sa tamang panahon, darating din 'yon
Ako naman ang iibigin
Kung 'di man ngayon, darating din 'yon
Pag-ibig na mananatili
Darating ka rin
[Outro]
At dumating ka rin