Sa bawa't nagdaang araw
Hinahanap-hanap
Iyong mga lambing
Dama lang sa 'yong piling
Sa tamis ng pagsinta'y
nangungulila
Uhaw sa 'yong halik
Sa t'wina'y nananabik
Nanlalamig na puso'y ating pagbigyan
Sa gabing ito, ako'y iyo lamang
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan
T'wing ako'y umiidlip
Nananaginip
'Yong labing kay tamis
Yakap mong kay higpit
At sa pagbuhos ng ulan
Tayo'y sumilong
Pawiin ang lamig
Pag-ibig ay damhin