[Verse 1]
Naramdaman mo ba
Kung tayong dalawa'y may ugnayan?
Ooh-ooh, ooh-ooh
'Di maunawaan
Bawat binabatong katanungan
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
[Refrain]
Malayong magkatagpuan
Magkasalungat ang daan
[Verse 2]
Aking hinihintay
Mailahad tinatayang pakay
Ooh-ooh, ooh-ooh
Darating kaya
Sa akin ang tunay na nakatakda?
Ooh-ooh, ooh-ooh
[Refrain]
Malabong magkahulugan
Magkasalungat, labanan, oh
[Bridge]
Tama na ang bugtungan
Kandila'y iyong ihipan
Ang nasimulan, atin nang wakasan
Ang meron tayo'y kalimutan
Ooh-ooh-ooh-ooh
[Refrain]
Masyadong magkalayuan
Magkasalungat, iwanan
[Outro]
Naramdaman mo ba
Ang sa 'tin ay wala nang ugnayan?
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh-ooh