[Verse 1]
Ako muna ang uupo sa trono
'Di susunod sa utos
Walang pag-aalangan sa mga kilos
Batas kumbaga kung 'yong maituturing
Sino'ng makakapigil?
Ako ang nagmamay-ari sa 'kin
[Pre-Chorus]
Tatalikuran ko mga sinabi niyo
Sa araw na ito
[Chorus]
Ako ang magiging hari
Pansamantalang hahawak sa mundo
Ang masusunod
Ako ang magiging hari
Hari, hari
[Verse 2]
Luluhod lahat ng kinakatakutan
Nakadapa sa 'king harapan
Ngayon ako ang mas makapangyarihan
Aalis, 'di na babalik sa 'king kaharian
Lahat do'n iiwanan
Ako ang tangi kong kayaman
[Pre-Chorus]
Papatunayan ko, mali ang sinabi niyo
Sa araw na ito
[Chorus]
Ako ang magiging hari
Pansamantalang hahawak sa mundo
Ang masusunod
Ako ang aking hari
Ang kulang at ang bubuo
Ang hari ko'y ako
Ako, ako
[Bridge]
Panghahawakan niyo mga sasabihin ko
Sa araw na ito
[Chorus]
Ako ang magiging hari
Pansamantalang hahawak sa mundo
Ang masusunod
Ako ang aking hari
Ang kulang at ang bubuo
Ang hari ay ako
Ako, ako, ako, oh-oh