[Verse 1]
O kay tagal tagal ko na sa'yo naghihintay
Andito pa rin ako, andito pa rin ako
Ilang oras na ako dito nakatambay
Inip na nga at bagot, init na init' lapot
[Pre-Chorus]
O hindi naman ako sa nagmamadali
Pero 'di na rin kasi ako mapakali
Hanggang kailan maghihintay ang puso kong nalulumbay?
[Chorus]
Sobra ang traffic, hindi na makasingit
Sobra ang traffic, pawis na nga't mainit
Sobra ang traffic, hindi na makasingit, la-la-la-da
Sobra ang traffic, pawis na nga ang singit
[Verse 2]
O kay tagal ko nang naka-hinto, oh
Hindi man lang gumagalaw
At para bang stuck na nga 'ko dito
Gusto ko nang sumigaw
O kay bagal, kay tagal
Nakaka-asar, ayaw umandar
O para, mama, hanggang dito na lang muna
Malala na kaya bababa na nga
[Pre-Chorus]
O hindi naman ako sa nagmamagaling
Pero parang 'di ko na rin alam ang gagawin
Hanggang kailan ba sasabay sa puso mong laging sablay?
[Chorus]
Sobra ang traffic, hindi na makasingit
Sobra ang traffic, pawis na nga't mainit
Sobra ang traffic, hindi na makasingit, la-la-la-da
Sobra ang traffic, pawis na nga ang singit
[Bridge]
Heto nakapila pa ako, nakakapagod ang gan'to
Traffic pa sa puso mong usad-pagong
[Chorus]
Sobra ang traffic, hindi na makasingit
Sobra ang traffic, pawis na nga't mainit
Sobra ang traffic, hindi na makasingit, la-la-la-da
Sobra ang traffic, pawis na nga ang singit
[Outro]
Sobra ang traffic
Sobra ang traffic
Sobra ang traffic