[Verse 1]
'Eto na ba ang huling mayayakap kita?
Huling sulyap sa langit, sa pagbitiw ng mga ulap
[Pre-Chorus]
At sa bawat hakbang papalayo
Luha ng paalam 'di maitago
[Chorus]
Sana mag-ingat ka at salamat sa lahat
Kahit sa'king aklat 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa
Hmm
Hmm
[Verse 2]
Kinabisa ang 'yong mukha
At tamis ng huling halik
Nag-aabang, humihiling, baka sakaling bumalik
[Pre-Chorus]
At sa pagtatapos nitong yugto
Larawan ng kahapon ay itatago
[Chorus]
Sana mag-ingat ka at salamat sa lahat
Kahit sa'king aklat 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa
[Bridge]
Dahan-dahang pumipiglas
Mga huling salitang binibigkas
[Chorus]
Sana mag-ingat ka at salamat sa lahat
Kahit sa'king aklat 'di na ikaw ang pamagat
Alaalang 'di akalaing mabubura pala
Sana sa pagsara ng pahina, maalala mo pa
Maalala mo pa
[Outro]
Mahal, mananatili ka sa'king puso’t alaala
Hmm, 'di ka mawawala
Hmm, maalala ka
Hmm, ngunit paalam na