Ang bait mo sa masa
Kasalo mo pa sa daing na ulam nila
Kahit halatang di mo gusto
Pinipilit mo, sa laki ng pagmamahal mo
Kinakamayan mo kahit sino
Kahit mag-amoy isda ‘yang kamay mo
Dahil alam mong kailangan nila
Ang iyong pag-aruga at ang pagkalinga
Ang laki ng puso mo
Ang laki ng talino mo
Ang laki ng unawa mo
Ang laki-laki ng pag-ibig mo
Ang laki ng yabang mo
Ang laki ng tapang mo
Ang laki ng angas mo
Ang laki-laki ng ngipin mo!
(Ang laki-laki ng asawa mo!)
Namimigay ka ng bahay at lupa
Trabaho sa mga taong walang-wala
Taos at bukal sa puso mo
Ang ‘yong pagkalinga sa mga kapos at kawawa
Naghahanap ka ng kakampi
Laban sa mga nang-aapi
Pinatawag mong kaibigan mo
Dahil may nanggugulo
Natutuwa ako't may kagaya mo
Mapagmahal at maprinsipyo
Gusto kitang yakapin nang mahigpit
Sa tuwa, mahigpit na mahigpit
Hanggang di ka na makahinga!