May kaba sa aking dib-dib
May ligalig sa aking isip
May nadaramang kaguluhan
Sa puso nati’y puno ng digmaan
Gumugulo sa aking isipan
Gustong isigaw nararamdaman
Mga pusong luhaan
Mga pasakit, kailan maibsan
Nasan nga ba ang pag-ibig?
Ba’t nadarama’y ligalig
Nasan nga ba ang pag-ibig?
Di nyo ba kami naririnig?
Mga batang walang kinabukasan
Pakalat-kalat sa lansangan
Magsasakang walang makain
Kanino kaya kanilang aanihin
Mga sundalo sa walang kwentang digmaan
Butas ang sapatos, walang laman ang tiyan
Mga manggagawang nagpapanday
Walang matir’han, wala pa ring bahay