[Verse 1]
Napakahirap ang gumalaw
Sa mundong 'di mo na nakikilala
Naaalala
Wala na ang dati mong sayaw
Ang himig mo'y 'di ko na naiintindihan
Naiintindihan
[Refrain]
Bakit ba kailangang magbago
Ng ihip ng hangin sa 'tin?
Ba't 'di na lang manatiling iisa?
[Verse 2]
'Di maiwasan ang hapdi
Binalot ng kalungkutan ang mundo kong ikaw
Ang lagi kong tanaw
'Di ko mawari ang lagay
Tuloy ang siyang paninisi sa sarili
Sa sarili
[Refrain]
Oh, bakit ba kailangan magbago
Ng ihip ng hangin sa 'tin?
Ba't 'di na lang manatiling iisa?
[Chorus]
'Di naman nawala ang sakit
Natuto lang akong mabuhay sa alaala mo
'Di naman nawala ang kirot
Nabuhay lang akong kayakap ang alaala mo, oh
[Bridge]
'Di naman
Oh, 'di naman
'Di ka naman nawala
Ooh, ooh
[Chorus]
'Di naman nawala ang sakit
Natuto lang akong mabuhay sa alaala mo
'Di naman nawala ang kirot
Nabuhay lang akong kayakap ang alaala mo, oh
[Outro]
'Di ka naman nawala
'Di ka naman nawala
'Di ka naman nawala
Ooh