[Verse 1]
Magandang umaga sa iyo, mahal
Pasensya na't ginising ka upang mag-almusal
Isinalin na ang gatas, may nilutong sinangag
At paborito mong tuyo, itinambal ko sa puso kong umiibig sa iyo
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
[Verse 2]
Pagkatapos mong kumain, halika't mamasyal
Sa lawa kung saan tayo'y
Nagpapalitan ng pangarap sa isa't isa
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
[Chorus]
Ito ang dalangin ko
Ang mabuhay kasama mo
Walang yaman ang makakatapat
Sa ligayang dulot mo sa puso ko
Sa puso ko
[Verse 3]
Lumipas na ang oras
Tara na't umuwi
Ayaw kong malipasan ka
Kaya't ako'y nagmamadali
[Verse 4]
Anong ulam ang nais mo? (Nais mo)
Malugod kong didinggin (Diringgin)
Ayokong mapagod ka (Mapagod ka)
Gusto ko'y ikaw ang reyna sa ating mundo
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh, ooh
[Chorus]
Ito ang dalangin ko
Ang mabuhay kasama mo
Walang yaman ang makakatapat
Sa ligayang dulot mo sa puso ko
Sa puso ko
[Bridge]
Wala nang iba
Wala nang iba
[Chorus]
Ito ang dalangin ko
Ang mabuhay kasama mo
Walang yaman ang makakatapat
Sa ligayang dulot mo sa puso ko, oh
Sa puso ko, oh
[Outro]
Ulitin man ang panahon
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Lumabo man ang paningin
Ikaw lang ang nag-iisang malinaw sa akin