CHORUS 1
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
May mga lorong 'di makalipad na sa hawlang ginto
May mga punong walang dahon, mga pusong 'di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Mula nang makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago
Ngayon ang puso'y may takot sa lupang ipinangako
[Repeat CHORUS 1]
Dati-rati'y ang mga bukid ay gulay ginto
Dati-rati'y ang mga ibon 'sing laya ng tao
Dati-rati ay katahimikan ang musikang nagpapatulog
Sa mga batang walang muwang sa mundo
Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong una n'yong dadamhing kabilang sa inyo