Ang bundok namin ay walang kapunu-puno
Milyun-milyon ang taong nagtayo nito
Bawat dekada, pataas nang pataas
Monumento ng mga dumi at kalat
Woh hoh
Akyat-panaog mga tuta't mga tao
Araw-gabi ang hanapbuhay dito
Sinusuyod, hinukukay ang pwedeng makuha
Ibebenta o pagkain sa umaga
Woh hoh
CHORUS 1
May bote, may bakal
May plastik, may adik
Sa bundok namin
May pagpag, may laglag
May baliktad, may bayad
Ang bundok namin
Woh hoh wowoh
Woh hoh wowoh
Madalas masunog ang aming bundok
Magdamag na kumot, makapal na usok
Panganib ang tuluy-tuloy na pag-ulan
May nababaon, may nadadaganan
CHORUS 2
May langit itong gusto
Kung mayro'n lang ibang tao
May alam ba kayo
Bumabalik, bumubuhay
Ikaw naman ang naghukay
Sa bundok namin
[Repeat CHORUS 1]
Woh hoh wowoh
Woh hoh wowoh