Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak
Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag
Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad
Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa
Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak
Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa
Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya
S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa
Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya
Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan
'Di ba't ang batas natin pantay-pantay, walang mahirap, mayaman
Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan