Noong isilang ka sa mudong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang 'yong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag, walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo, 'di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang 'yong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha nang 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali