Kung wala nang ganap, ang pagmamahal ay 'di na
Kailangan pang dalawang puso'y magkasama
Kung wala nang tamis sa damdamin na
Pag-ibig ay hayaan na puso ay mag-isa
Bakit nga ba iisipin ang sasabihin ng iba
Gayong hindi siya ang nagdurusa
May bukas pang naghihintay
Sa pag-ibig na kapwa kay lamig
Kapag wala na ang lambing
Na dati'y nag-aalab sa init
Kapag ang puso ay napagod na, wala na ang pananabik
Hindi ba't mabuting magkawalay
Puso'y sa iba'y dapat ialay
Pagkat wala nang pag-ibig na naghihintay
Bakit pa ba ganoon, puso ay kayhirap minsang turuan
'di malaman, 'di maintindihan
Kung wala nang ganap ang nadarama sa puso
Ay tama lang na kapwa'y lumaya na