Kayhirap mawalay sa 'yo
Bahagi ka ng buhay ko
Minahal ka ng totoo
Bakit kaya ganyan ang buhay sa mundo
Kung sino ang siyang mahal
Siya pang mawawala sa iyo
Magpakailan pa man, ikaw ang mahal
Maghihintay na ako'y iyong balikan
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang
Hapdi man ang nadarama ko
Di susuko ang puso ko
Nalason man ang isispan mo
Pag-ibig ko'y di magbabago
Lamang
Nasaktan man ang damdamin ko
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang
Ikaw ang mahal