[Verse 1]
Kailan lang, yakap ka
Kailan lang, ako'y walang kasing saya
Kay ganda ng mundo
Buong akala ko'y ikaw lang at ako
[Pre-Chorus]
Bakit ngayon wala ka na?
Araw-gabi ay hanap-hanap ka
[Chorus]
Nasa'n na, nasa'n na ang init ng 'yong yakap?
Lagi kong hinahanap
Bakit ba, bakit ba ako'y iyong iniwan?
Pag-ibig mo, sinta, ay nasa'n na?
[Verse 2]
Bakit mo nagawang ang pusong nagmamahal sa 'yo'y saktan?
Giliw ko, kahit na ang pag-ibig ko sa 'yo'y dama ko pa
[Pre-Chorus]
Kahit ngayong wala ka na
Sa puso ko'y ikaw pa rin, sinta
[Chorus]
Nasa'n na, nasa'n na ang init ng 'yong yakap?
Lagi kong hinahanap
Bakit ba, bakit ba ako'y iyong iniwan?
Sabihin mo, sinta
[Bridge]
Kahit nasaan ka man, iyo sanang malaman
Ang buhay, puso't isip ko'y ikaw lamang
[Chorus]
Nasa'n na, nasa'n na ang init ng 'yong yakap?
Lagi kong hinahanap
Bakit ba, bakit ba ako'y iyong iniwan?
Pag-ibig mo, sinta, ay nasa'n na?
Nasa'n na ang init ng 'yong yakap?
Lagi kong hinahanap
Bakit ba, bakit ba ako'y iyong iniwan?
Sabihin mo, sinta, nasa'n na?
[Outro]
Nasa'n na?