[Verse 1]
Ako'y nagkamali
Tukso'y 'di dapat nagwagi
Pusoy nakipagsuyuan
Sa isang may pananagutan
[Verse 2]
Ako'y nangangamba
At mga mata'y lumuluha
Sino ang pagbibintangan
Sa ating naging kasalanan?
[Chorus]
Kaligayahan na pansamantala
Mga nakaw nating sandali
Ito nga ba ay pag-ibig
O isang pagkakamali?
Kaligayahan na pansamantala
Minahal mo ako't minahal kita
Sadya nga bang kay pait
Ang dulot ng ating pag-ibig
[Verse 1]
Ako'y nagkamali
Tukso'y 'di dapat nagwagi
Pusoy nakipagsuyuan
Sa isang may pananagutan
[Chorus]
Kaligayahan na pansamantala
Mga nakaw nating sandali
Ito nga ba ang pag-ibig
O isang pagkakamali?
Kaligayahan na pansamantala
Minahal mo ako't minahal kita
Sadya nga bang kay pait
Ang dulot ng ating pag-ibig
Kaligayahan na pansamantala
Minahal mo ako't minahal kita