[Verse 1]
Puso ko'y nabihag mo
Mula nang tayo'y magtagpo
'Di ka na nalimot
'Di ko napigilan ang puso
Sa paghanga sa'yong tayo
Pati na sa paglakad mo
Pormang-porma magdamit
Ikaw sana ay makamit
[Pre-Chorus]
Oh, sana'y alam mo lang
Na ikaw ay nagugustuhan
Ng puso kong ito
[Chorus]
Hangang-hanga (Hangang-hanga)
Ang damdamin sa iyo (Damdamin sa iyo)
At baka nga
Ikaw pa ay mahal ko
'Di ko lang alam ('Di ko lang alam)
'Di ko lang nasisiguro (Nasisiguro)
Basta't ako'y hangang-hanga sa iyo
[Verse 2]
Tuwing ika'y nakikita
Nanlalaki ang mga mata
Napapangiti, napapatulala
Madalas ay napapahiya
Dahil ako'y nabubuko
Na mayroong gusto sa 'yo
Nais mang sabihin ay
Tinatago ko na lamang
[Pre-Chorus]
Oh, sana'y alam mo lang
Na ikaw ay nagugustuhan
Ng puso kong ito (Puso kong ito)
[Chorus]
Hangang-hanga (Hangang-hanga)
Ang damdamin sa iyo (Damdamin sa iyo)
At baka nga
Ikaw pa ay mahal ko
'Di ko lang alam ('Di ko lang alam)
'Di ko lang nasisiguro (Nasisiguro)
Basta't ako'y hangang-hanga sa iyo
[Instrumental Break]
[Chorus]
Hangang-hanga (Hangang-hanga)
Ang damdamin sa iyo (Damdamin sa iyo)
At baka nga
Ikaw pa ay mahal ko
'Di ko lang alam ('Di ko lang alam)
'Di ko lang nasisiguro (Nasisiguro)
Basta't ako'y hangang-hanga sa iyo
(Hangang-hanga ang damdamin sa iyo)
At baka nga
Ikaw pa ay mahal ko
'Di ko lang alam ('Di ko lang alam)
'Di ko lang nasisiguro (Nasisiguro)
Basta't ako'y hangang-hanga sa iyo
(Hangang-hanga ang damdamin sa iyo)
At baka nga
Ikaw pa ay mahal ko
'Di ko lang alam ('Di ko lang alam)
'Di ko lang nasisiguro (Nasisiguro)
Basta't ako'y hangang-hanga sa iyo
[Outro]
(Hangang-hanga ang damdamin sa iyo)
At baka nga
Ikaw pa ay mahal ko
'Di ko lang alam ('Di ko lang alam)
'Di ko lang nasisiguro (Nasisiguro)
Basta't ako'y hangang-hanga