[Intro]
Welcome to Highway Philippines 2000
[Verse 1]
Maagang umalis si Barang
Mamimili ng agahan
Inabot na ng siyam-siyam
Dumating s'yang pananghalian
[Verse 2]
Mag-a-apply ng trabaho
Dala-dala ang dokumento
Pinalayas na ito sa pwesto
Dumating kasi lampas alas kwatro
[Refrain]
Kasi
Lumubog at sumemplang
Natrapik sa lubak na daan
Butas na 'di tinabunan
May buwaya pa sa lansangan
Kalye ng Philippines 2000
[Verse 3]
50-50 itong si Tatang
Dadalhin sa pagamutan
Sa tagal nila sa daan
Binawian na s'yang tuluyan
[Refrain]
Kasi
Lumubog at sumemplang
Natrapik sa lubak na daan
Butas na 'di tinabunan
May buwaya pa sa lansangan
Kalye ng Philippines 2000
[Refrain]
Lumubog at sumemplang
Natrapik sa lubak na daan
Butas na 'di tinatabunan
May buwaya pa sa lansangan
Ito pa kalye
Highway Philippines 2000
[Outro]
Sorry for the inconvenience
This is where your taxes go