[Verse 1]
Pista na naman sa nayon
Guest speaker pala si Mayor
Beso-beso dito, beso-beso do'n
Kumpanyero, kumusta ka na?
Kanina pa nakaduro
Ngawit na ngawit na ang nguso
Pero epek lang 'yon
That's part of integration
[Chorus]
Ang bait-bait niyo, sincere talaga
Loyal pa sa bayan, concerned pa sa masa
Ang bait-bait niyo, sincere talaga
Loyal pa sa bayan, concerned pa sa masa
[Verse 2]
Binyagan pala sa bayan
Ninong pala si Congressman
Kinukurot-kurot mo pa, nakukyutan ka ba?
Hmm, bango mo, amoy kanal ka
Mahilig ka pala
Sa sipuning bata
Pero epek lang 'yon
That's part of appreciation
[Chorus]
Ang bait-bait niyo, sincere talaga
Loyal pa sa bayan, concerned pa sa masa
Ang bait-bait niyo, sincere talaga
Loyal pa sa bayan, concerned pa sa masa
[Verse 3]
Tambak-tambak ang security
Fully guarded ka, syempre
Men, follow me
Daig mo pa ang presidente
Sinusuong mo ang putikan
Mababahong amoy ng basurahan
Pеro epek lang 'yon
To show your dedication
[Chorus]
Ang bait-bait niyo, sincеre talaga
Loyal pa sa bayan, concerned pa sa masa
Ang bait-bait niyo, sincere talaga
Loyal pa sa bayan, concerned pa sa masa
[Verse 4]
Ngiti at ngising aso ka
Sa harap ng kamera
May pakaway-kaway ka pa
Namimigay ka ng pera
Basta't 18 and above ka
Kahit 'di marunong magbasa
Pero epek lang 'yon
Basta sa senado, sa kongreso
At konseho, iboto niyo ako
Para sa next election