[Intro]
Hay nako ngayon wala kang pera
Bukas wala ka ring pera
Sa susunod na buwan wala ka ring pera
Sa susunod na taon pera pa rin ang problema
[Verse 1]
Kung wala kang pera, pangit ka
Kasi ang pera nagpapaganda
Kung malaki ang mata, mapapasingkit ng pera
Kung pango ka, tatangos kang bigla eh
[Verse 2]
Ang pera ngayon nasa eskwela
Ang edukasyon, negosyo na
Kung wala kang pera, pasensiya ka
Sa universities, money down muna uh
[Verse 3]
Kung mayaman ka, 'wag mag-alala
Dahil sa pera tatagal ka pa
Sa ospital kasi bayad muna
Kung wala kang pera, manigas ka uh
[Verse 4]
Buti pa ang pera may tao
Ang taong katulad ko walang pera
Buti pa ang pera may tao
Ang taong katulad ko walang pera
[Verse 5]
Pero tao ako 'di tulad ng iba
Marami ngang pera pero
Tao ba sila
Tao ba sila
[Verse 6]
Wala kayong pera, wala kaming pera
Wala kayong pera, lahat tayo walang pera
Wala kayong pera, wala kaming pera
Wala kayong pera, lahat tayo wala pera
[Verse 5]
Pero tao kayo 'di tulad ng iba
Marami ngang pera pero
Tao ba sila
Tao ba sila
[Outro]
Tao ba sila Tao ba sila
Tao ba sila Tao ba sila
Ang tanga nila